Makakaharap ni John Riel Casimero si Fillipus Nghitumbwa ng Namibia para sa WBO global super bantamweight title sa May 13 sa Okada Manila Hotel and Casino sa Parañaque City.

Ang laban ay minarkahan bilang homecoming fight ni Casimero sa Pilipinas mula noong 2019 matapos manalo sa laban kay Kenya Yamashita ng Japan sa ikaanim na round ng kanilang bantamweight bout.
Si Casimero, isang three-division champion, ay may hawak na record na 32-4, 22KOs at 8-0 matapos ang unanimous decision loss sa kababayang si Jonas Sultan noong September 2017.
Samantala, isa pang Pinoy na super bantamweight na si Carl Jammes Martin ang nakatakdang lalaban sa parehong card. Si Martin (21-0, 17KOs) ay na-rate ng IBF bilang No. 5 at WBO bilang No. 8.//CA