Joint Patrol sa WPS ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa, napapanahon- Cong. JCA

Napapanahon na umano ang Joint Sea Patrol ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang panayam, sinabi ni 2nd District Cong. Jose Chaves Alvarez na palagi na ang pangha-harass ng mga Chinese coast guard sa Philippine Coast Guard at kahit sa maliliit ng mangingisdang pinoy.

Dagdag pa ng kongresista, sa tuwing tatapatan ng bansa ang pwersa ng Chinese Coast Guard, nanliliit ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na syang paulit ulit na ginagawa ng tsina.

Kayat mainam na umano na matuloy na ang joint patrol sa pinag-aagawang teritoryo dahil sa tuwing may kasamang nagpapatrolya ang Pilipinas na kaalyadong bansa ay lumalayo ang mga Chinese.

Malaking tulong daw iyon sa mga maliliit na mangingisdang pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *