Inasahang isasagawa sa ikatlong quarter ng 2023 ang posibleng joint patrols ng Pilipinas at United States at Australia sa South China Sea.
Ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, na patuloy ang kanilang ginagawang diskusyon hinggil sa joint patrol kasama ang United States.
Una nang sinabi nina President Ferdinand Marcos Jr. at US President Joe Biden na looking forward sila sa trilateral cooperation sa ibang mga bansa, gaya ng Australia, para matiyak ang regional security.

Matatandaan na noong Pebrero, kinumpirma ng Australia na magsasagawa sila ng talks hinggil dito, bilang isa rin sila sa mga bansa na sumusuporta sa Pilipinas, kasunod ng insidente nitong taon na kinabibilangan ng panunutok ng Chinese vessel ng military-grade laser sa Philippine Coast Guard ship malapit sa Ayungin Shoal.
Mababatid na una nang sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. na nagsagawa na noon ang dalawang bansa ng joint maritime patrols, partikular na sa Celebes Sea at sa Sulu Sea. //MHEL PACIA-TRINIDAD