Joint Sail sa pagitan ng PH at Australia sa WPS, tuloy; Pero otoridad, matipid pa sa detalye

Wala pang inilalabas na detalye ang gobyerno ng Australia at Pilipinas sa planong joint sail sa South China Sea.

Sa isang press conference sinabi ni Australian Foreign Minister Penny Wong, hindi pa nila inia-anunsyo kung kailan magaganap ito at kung saan lugar sa West Philippine Sea pero paglilinaw niyang matutuloy ang joint sail.

Muling sinabi ni Wong na patuloy na tutulong ang Australia sa pagpapalakas ng maritime capabilities ng Pilipinas sa pamamagitan ng technical training , mga aktibidad na may kaugnayan sa monitoring at proteksyon ng ating karagatan at pagbibigay ng mga bagong kagamitan sa Philippine Coast Guard.

Si Wong at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ay nagkita sa 6th Philippine-Australia Ministerial Meeting in Adelaide kung saan napag-usapan ang iba’t-ibang isyu kabilang na ang law and justice, trade and investment, development at security and defense.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *