Jolo Revilla, isinisi sa intern ang post nito na pumuri kay Magellan bilang bayani ng Pilipinas

Humingi si Cavite vice governor Jolo Revilla ng paumanhin matapos lumabas sa Facebook page nito ang isang post na tumukoy sa Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan bilang isa sa mga unang bayani ng Pilipinas.

Si Lapu-Lapu talaga at hindi si Magellan ang tinutukoy sa post.

Ayon kay Revilla, humihingi siya ng paumanhin sa nakalilitong post nito na para sana sa ika-500 anibersaryo ng Battle of Mactan.

Ipinaliwanag ni Revilla na pinost ng intern mula sa kanilang social media team ang meme nang hindi ipinapaalam sa kanila.

Matatandaan na na-edit pa ang post bago ito tuluyang nabura mula sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *