Joshua Garcia may matching bracelets kay Bella Racelis matapos itanggi noon na in a relationship na siya

Hindi pa rin malinaw ang tunay na estado ng relasyon ng aktor na si Joshua Garcia at YouTube vlogger na si Bella Racelis.

Una nang itinanggi ni Joshua na in a relationship na siya.

Ngunit muling nagbigay ng palaisipan sa kanyang mga tagahanga ang litratong ipinost ni Joshua sa kanyang Instagram Stories kalakip ang pagbati sa kaarawan ni Bella.

Nitong Huwebes, ipinagdiwang ni Bella ang kanyang ika- 21st birthday. Sa Instagram Stories ng aktor, makikita ang litrato ng kamay nila ni Bella na may suot na matching beaded bracelet.

Bukod sa simpleng caption ni Joshua na “Happy Birthday at kapansin-pansin din ang nakasulat sa kanilang matching bracelets.

Ayon sa mga mapanuring netizens “love” daw ang nakasulat dito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *