Jovit Baldivino, pumanaw na sa edad na 29

Naglabas ng official statement ang pamilya ng singer na si Jovit Baldivino matapos itong pumanaw dahil sa brain aneurysm madaling araw ng Biyernes (December 9, 2022)

Ayon sa mga mga magulang ng singer bago isugod sa ospital noong December 4, isang linggo na itong umiinom ng maintenance medicine para sa hypertension.

Pinagbawalan na rin umano itong bumirit o kumanta habang nagpapagaling.

Subalit noong Dec. 3 ay naimbitihan umano si Baldivino ng isang family friend na dumalo sa isang party sa Batangas City.

Nabuyo si Jovit ng mga fans at mga bisita kaya napilitan itong kumanta ng tatlong signature song katulad ng ‘Faithfully’ ng Journey.

Sa ikatlong kanta ay nag-umpisang mahirapang huminga ang Pilipinas Got Talent First Grand Winner at matapos ang isang oras ng pagkaka-upo ay bigla nalang itong nagcollapse.

Matatandaaang unang kinumpirma ng pamunuan ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City sa 104.7 Brigada NewsFM Batangasang pagpanaw ni Jovit kaninang madaling araw.

Na-commatose ang singer sa loob ng limang araw.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *