JPE – naniniwalang kagagawan ng mga tiwaling opisyal ang talamak na smuggling sa bansa

Naniniwala si Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile na kagagawan pa rin ng mga tiwaling opisyal ang pagpupuslit ng iba’t ibang mga produkto sa bansa.

Ginawa ni Enrile ang pahayag sa gitna ng kabi-kabilang operasyon ng mga law enforcement agencies kung saan, nasasabat ang sako-sakong mga agricultural products kahit na tuloy ang pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Maliban sa mga nakumpiskang smuggled sugar, onions, at bigas – naungkat din kamakailan sa senado ang smuggling ng langis.

Sa kanyang regular program, sinabi ni Enrile na kurapsyon pa rin ang puno’t-dulo ng hindi matapos-tapos na problema ng smuggling.

Aniya, madali raw kasing nasusuhulan ang mga kurakot na opisyal dahilan para hindi mapatid ang problema sa pagpupuslit ng mga produkdo’t kontrabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Enrile, kulang ang enforcement kaya’t nananatili pa rin ang problema ng smuggling.

Sinabayan din umano ito ng mga ‘walang konsensyang’ mga negosyante na tila ba’y sarili lamang ang kanilang mga iniisip makalusot lamang sa pagbabayad ng buwis.

Kung matatandaan, ipinag-utos na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapaigting ng digitalization at anti-smuggling efforts sa Bureau of Customs.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *