Juban, isa sa tatlong mga bayan sa buong rehiyon na ginawaran ng parangal bilang ‘Drug Cleared Municipality’

Pinarangalan ang bayan ng Juban bilang isa sa tatlong mga bayan sa buong rehiyon dahil sa natatangi nitong pagganap sa programang BIDA ng DILG, PNP, at iba pang ahensya.

Ang sertipiko ng pagkilala sa nasabing bayan bilang isa sa Drug – Cleared Municipality sa ilalim ng programang BUHAY INGATAN, DROGA AY IWASAN (BIDA, KASIMBAYANAN) ay personal na inabot ng mismong Kalihim ng Department of Interior & Local Government na si  Atty. Benjamin Abalos Jr. kay Mayor Gloria Leander Alindogan sa aktibidad na ginanap sa Albay, Astradome.

Matatandaan na noong mga nakaraang linggo ay pinarangalan na ang nasabing LGU kasama ang LGU Barcelona sa Camp. Simeon Ola PRO5.

Samantala, sa tatlong deklaradong Drug – Cleared Municipality sa lalawigan ng Sorsogon ay nauna nang ginawaran ng parangal ang bayan ng Pilar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *