Juday at Ryan, nagpabakuna na kontra COVID-19

Nagpabakuna na kontra COVID-19 ang celebrity couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Sa Instagram account ni Juday ay naka-post ang litrato nilang mag-asawa na ipinapakita ang kanilang braso matapos silang mabakunahan.

Sinabi ni Juday sa caption ng post, “First jab! pabakuna na po tayo.. para sa mga mahal natin sa buhay at para may panlaban tayo sa bawat strain ng covid.. nakakatakot ang magakaroon ng covid..”

Iginiit rin ng aktres na mas nakakampante ng loob ang pagpapabakuna kaysa maniwala sa mga haka-haka o sabi-sabi sa paligid natin.

Mababatid na nabakunahan sina Ryan at Juday sa pamamagitan ng vaccination program ng MMFF, Mowelfund, at MMDA.

Inaasahan ng gobyerno na mababakunahan ang halos lahat ng film workers pagsapit ng huling bahagi ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *