Junna Tsukii, wagi ng ginto sa Karate Premier League sa Portugal

Nagwagi ng gintong medalya ang Filipino-Japanese na si Junna Tsukii sa ginanap na Karate Premier League sa Lisbon, Portugal.

Tinalo ng 29-anyos na Southeast Asian Games gold medalist ang karibal nito na si Moldir Zhangbyrbay ng Kasazkstan, sa score na 2-0, para sa women’s-50k kumite gold.

Ito na ang pinakamalaking panalo na nakuha ni Tsukii matapos nito masungkit ang ginto sa Golden Belt Karate tournament sa Cacak, Serbia noong Marso.

Sinabi ni Tsukii sa kanyang Facebook post na ang ginto na nakuha niya sa Lisbon ay ang unang medalya niya mula sa world stage.

Umaasa naman si Tsukii na nakaipon siya ng sapat na puntos mula sa Lisbon para makaangat ito sa No.1 spot sa Asya, na magbibigay naman sa kanya ng spot sa Tokyo Olympics.

Sa kasalukuyan ay nasa ikatlong pwesto si Tsukii kasunod lamang ng mga pambato ng Iran at China na sina Sara Bahmanyar at Li Ranran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *