JUST IN │ 1 bagong COVID-19 positive, naitala sa bayan ng Quezon Palawan.

Kinumpirma ng Municipal Health Office ng Quezon Palawan na mayroong bagong tinamaan ng COVID-19 sa munisipyo ngayong araw, April 30, 2021.

Ayon kay MHO Dr. Jing Abiog – Damalerio, ngayong Biyernes lamang lumabas ang resulta ng RT-PCR test (Swab Test) ng pasyente.

Ito ay isang lalaki na residente ng Bgy. Alfonso XIII na naing closed contact ng unang nag-positibo mula sa Bgy. San Pedro sa Puerto Princesa.

May Mild symptoms ang pasyente na ngayon ay nasa Quarantine Facility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *