Juvenile Delinquency sa Naga City nakakaalarma na- CSWDO

NAGA CITY – Nakakaalarma na.

Ganito ang pagsasalarawan ni Annabelle Vargas, head ng City Social Welfare and Development Office  (CSWDO) sa nangyaring pagkakasangkot ng ilang mga batang halos nasa 10-taong gulang pa lamang sa mga pananakit o tangkang pananakit  sa Barangay San Felipe.

Ang mga bata ay agad namang kinuha ng opisina nina Vargas at dinala sa Children’s Home para sa mga gagawing intervention sa mga ito.

Maging ang kani-kanilang mga magulang ay kinausap na rin nina Vargas.

Kaugnay nito, may mga barangay council na rin ang nagpulong na para pag-usapan ang posibleng solusyon sa problemang ito, na kung saan pabata ng pabata an gang mga nasasangkot sa gulo o mga lumalabag sa ordinansa ng lungsod.

Si San Felipe Punong Barangay Al Rodriguez, nakatutok din sa problemang ito at sa mga maaaring solusyon.     

Isa rin ang barangay council ng Dinaga, na nasa sentro ng Naga.

Batay sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dinaga Punong Barangay Doris Dianne Gutierrez Lee, may mga nabuo na silang mga hakbang para maiwasan ang anumang pagkakasangkot ng mga bata o minor sa kanilang lugar sa anumang kaguluhan. Karamihan sa mga nasisita nilang mga violators ay mga dayo o napadaan lamang.

Ang LGU at ang pulisya ay patuloy ang kampanya upang mailayo ang mga bata sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *