K-pop group Enhypen, bibisita sa Pilipinas sa December

Bubuhos ng kakiligan, kaya Filipino ENGENEs, humanda na dahil bibisita sa Pilipinas ang rising K-pop boy band Enhypen sa Disyembre.

Ayon sa BYS Philippines, na ang latest brand ambassadors ay dadalo sa “fun meet” sa Araneta Coliseum sa Quezon City sa Dec. 3 bilang pagdiriwang sa ika 10 taong anibersaryo ng naturang kompaniya.

Kaugnay nito, wala pang inilababas na ibang mga detalye para sa naturang event.

Ang Enhypen ay binubuo nina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo at Niki at nabuo sa pamamabitan ng 2020 survival program “I-LAND.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *