Kaalyado ng namatay na Governor Degamo, kakandidato sa Negros Oriental special election

Naghain si dating Navy Col. Rey Lopez ng kanyang certificate of candidacy para sa special election sa 3rd district ng Negros Oriental, na pinakaunang naghain ng COC upang humalili sa pinatalsik na si Rep. Arnie Teves.

Tumakbo si Lopez, sa ilaim ng Nacionalista Party na alyado ng pinaslang na si Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Lopez, tutulong siyang ibalik ang kapayapaan sa distrito kung saan nanaig umano ang takot sa ilaim ng termino ng dating mambabatas.

Mahigit 301,000 registered voters ang nakatakdang maghalal ng bagong third district representative para sa Negros Oriental sa December 9.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *