Kabaong na binili sa FB Marketplace para gamiting props sa Halloween Party, may lamang abo at death certificate

SA HALIP na manakot, tila ang isang pamilya sa Maryland U.S.A na nais lamang sanang magdiwang ng Halloween ngayong taon ang nahilakbot, dahil sa kanilang kakaibang karanasan.

Taon-taong pinaghahandaan ng pamilya Wozniak sa nasabing bansa ang Halloween at ngayong taong 2022, naghanap sila ng mabibiling kabaong para gamitin bilang props.

Sa pamamagitan ng Facebook Marketplace, nakabili sila ng kabaong ngunit laking hilakbot na lamang ng kanilang pamilya nang madiskubreng naglalaman ito ng death certificate, hospital bracelet na may nakatalang pangalan ng nasa death certificate, mga larawan ng matandang babae at ang mas nakakatakot ay ang laman nitong abo.

Sakabila ng pagkatakot ay ibinahagi nila sa social media app na Tiktok ang karanasan upang maipagbigay alam sa posibleng kaanak ng hinihinalang ihinimlay sa naturang kabaong ang insidente.

Ang pangyayari ay nakarating sa kaalaman ng anak ng yumao at dito napag-alamang pumanaw pala ang matanda noong Enero dahil sa COVID-19.

Nakikipag ugnayan na ang pamilya Wozniak sa mga kaanak nito para ibalik ang mga natagpuan nilang pagmamay-ari ng pumanaw.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *