Nagpapatuloy ang ‘word war’ sa pagitan nina Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel at National Youth Commission (NYC) Chair Ronald Cardema.
Matatandaang nitong Sabado nang sapilitang mag-‘gate-crash’ si Cardema sa Pandesal Forum kung saan, tanging si Manuel lamang ang imbitado.
Sa isang tweet, nanindigan si Manuel na sinayang lamang ni Cardema ang oras nila dahil sa mga paulit-ulit na punto nito.
Pinasaringan din ng mambabatas ang NYC chair nang sabihin nitong matatalop ang Kabataan party-list sa 2025 elections.
Pinaalala ni Manuel na na-disqualify si Cardema ng Commission on Elections bilang nominee ng Duterte Youth party-list dahil overaged na ito para i-representa ang sektor ng kabataan. (📸James Navarro)
#
RELATED STORIES: