Kabiguan ng DOJ na magsampa ng kaso laban sa kongresista, pinuna ng kampo ni Cong. Arnie Teves

Pinuna ng kampo ni suspended Negros Oriental Cong. Arnie Teves Jr, ang kabiguan ng Department of Justice na magsampa ng kaukulang kaso laban sa kongresista dalawang buwan matapos ang pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Ipinaalala Atty. Ferdinand Topacio na si mismong si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang nagsabing 99.9% solve na ang Degamo murder case at si Teves ang itinuturong mastermind.

Sinabi ni Topacio, kung may solidong ebidensiya ay bakit hindi pa magsampa ng kaso laban sa kanyang kliyente.

Hamon niya, sampahan na ng kaso ang kongresista sa korte kung saan makakaasa sila ng patas na pagtrato dahil sa DOJ ay wala aniya silang pag-asa sa ilalim ng pamumuno ni Remulla.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *