Kabiguhan ng LGU officials na pigilan ang mga pagtitipon sa vaccination sites, maituturing na derilicition of duty

Nagbabala ang Palasyo na pwedeng maharap sa kasong derilicition of duty ang kahit sinong lokal na opisyal ng gobyerno na mabibigo sa pagpapatupad ng health protocols kabilang na ang social distancing sa mga vaccination sites.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magtipon-tipon ng maraming bilang ng mga tao sa vaccination sites nitong mga nakaliaps na araw.

Kamakailan ay siksikan ang dami ng mga tao na nagpabakuna sa lungsod ng Maynila matapos kumalat ang isang fake news na nagsasabi na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga tao na hindi pa bakunado sa gitna ng ECQ.

Iginiit naman ni Roque na matagal nang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na obligasyon na ng LGUs na iwasang maging super spreader event ang mga bakunahan sa bansa.

Naniniwala naman si Roque na sapat ang resources ng bansa para maipatupad ng maayos ang mga minimum health standards. Kaugnay nito ay hinimok ni Roque ang ilang lokal na opisyal na mag-implementa ng vaccine registration imbis  na payagan ang walk-ins para maiwasan ang pagisisiksikan ng mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *