Kabuoang half billion halaga ng agri product nasabat – DA

Nasa P500 milyong halaga ng mga produktong pang-agrikultura ang nasabat ng mga awtoridad habang limang consignees ang mahaharap sa kaso sa pinaigting na paglaban sa agricultural smuggling.

Sa isang press briefing sinabi ni DA Assistant Secretary James Layug, na patuloy na nagsasagawa ng inspeksyon ang kanilang team sa mga containers na posibleng naglalaman ng smuggled goods, habang tinitiyak nila ang tamang legal procedures upang maparusahan ang mga lalabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (RA 10845) at ang Food Safety Act of 2013 (RA 10611).

Determinado ang DA na labanan ang mga smugglers matapos ideploy at inspeksyunin ang mga shipment na naka-consign sa Taculog J International Consumer Goods Trading noong December 14, 2022 at December 16, 2022.

Kasama ng ahensiya ang Bureau of Plant Industry (BPI), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Manila International Container Port–Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS), at Bureau of Customs (BOC).

Sa takdang panahon, sinabi ni Layug, ibubunyag ng departamento ang mga pangalan ng mga consignees at brokers kapag napagtibay nito ang mga kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *