Kabuuan ng mga nagawa ng Labo MPS kaugnay sa mga ilegal na gawain sa bayan ng labo Camarines Norte para sa unang linggo ng Mayo, isina-publiko

CAMARINES NORTE- Inilatag ng Labo MPS ang kanilang accomplishment nitong mga nakatalikod na araw kaugnay sa mga ilegal na gawain sa bayan ng Labo Camarines Norte.

Sa kabuuang opisyal na talaan ng mga accomplishment ng Labo MPS noong April 28 hanggang May 4, 2023, dalawa ang bilang ng isinagawang operasyon kung saan dalawa katao ang naaresto.

Ang isa rito ay para sa kasong homicide at ang isa naman ay para sa kasong theft

Samantala, may kabuuang halaga ng bail ang nasabing kaso ng 40,000 pesos

Ayon sa kapulisan ng Labo MPS, ang naturang bilang ng mga operasyon at, naaresto ay resulta umano ng matagumpay na Police Operations sa iba’t ibang bayan sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *