Kabuuang 829 na DOLE Tupad Workers sa walong barangay sa bayan ng Labo, nakatakdang tumanggap ng sahod ngayong lunes

CAMARINES NORTE- Nakatakdang tumanggap ng sahod ang 829 na tupad workers sa walong barangay sa bayan ng Labo sa darating na araw ng Lunes, April 24, 2023.

Tatanggap sila ng nagkakahalagang 3,650 pesos kapalit ng kanilang sampung araw na Community Service sa nasabing bayan.

Kabilang sa mga barangay na ito ay ang Barangay Exciban, Tulay Na Lupa, at San Antonio na kapwa mayroong 237 benepisyaryo. 25 benepisyaryo naman sa mga barangay ng Submakin, Calabasa, Bagacay, at sa barangay Mahawanhawan.

Samantala, 18 benepisyaryo naman ang makatatanggap sa barangay ng Bagong Silang.

Ang pondong inilaan umano para dito ay mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang makapaghatid ng direktang Tulong Pangkabuhayan lalo na sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *