Kabuuang bilang ng benepisyaryo ng DOLE TUPAD workers sa unang distrito ng Camarines Norte, alamin

CAMARINES NORTE- Umabot na sa kabuuang bilang na 3,971 ang mga benepisyaryo ng DOLE TUPAD Workers na nabigyan ng sweldo sa unang distrito sa Camarines Norte

Yan ay batay sa datos mula sa tanggapan ng 1st District Representative ng lalawigan

Sa bayan ng Labo, may kabuuang bilang na 1,173 na benepisyaryo ang nasabing programa, 1,168 naman sa bayan ng Paracale, 562 sa Capalonga at 540 sa bayan ng Sta. Elena.

Nito lamang nakaraang araw, nagsagawa muli ng DOLE TUPAD Payout sa Barangay Luigi, Mabilo II at Barangay Canapawan sa bayan ng Labo, Camarines Norte

Ang DOLE TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers ay programa na mula sa Department of Labor and Employment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *