Kadamay at ibang cause-oriented groups, pinulong ng DHSUD

Nakipagpulong ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa grupo ng mga urban poor at ibang cause-oriented groups upang pag-usapan ang housing plans ng gobyerno para sa mga informal settler families (ISFs).

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, layunin ng pakikipagdayalogo ng ahensya sa cause-oriented groups na pinangungunahan ng Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap), Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) at Anak Pawis na marinig ang suhestyon ng mga naturang grupo upang mas mapabuti ang housing project.

Dagdag ni Acuzar, ang pag-uusap isang testamento ng housing program ng administrasyon.

Paliwanag ng kalihim, pinahahalagahan nila ang bawat sektor sa ekonomiya, kaya kapag bumubuo ang ahensya ng progaram, iniisip nila ang kapakanan ng lahat.

Aniya, bawat Pilipino ay maaaring maka-avail ng programa nilang ito sa pabahay. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *