Kahalagahan at benepisyo ng pagdo-donate ng sugo, muling binigyang-diin ng DOH-Bicol kasabay ng paggunita sa World Bloor Donor Day

BICOL – MULING binigyang-diin ng Department of Health o DOH-Bicol ang kahalagahan at benepisyo ng regular na pagdo donate ng dugo kasabay ng paggunita ng World Blood Donor Day.

Tampok dito ang serye ng blood donaation activities katuwang ang mg local health facilities sa ibat ibang panig ng rehiyon sa temang “Dugoyanihan, Sulong sa Pagtulong ang Dugong Pilipino.”

Nagsagawa naman ang Bicol Regional Blood Center (BRBC) ng Road to 1M Steps to Keep the World Beating activity mula June 1-14, 2021 kung saan naglakad at tumakbo ang mga kalahok para makamit ang 1,000,000-target step gamit ang Pacer step tracker application sa layuning mapanatiling malusog ang katawan at pumasa bilang mga blood donors.

Habang isinagawa naman Give Blood to Keep the World Beating activity sa Bicol Medical Center sa Naga City kung saan tampok ang web presentation at  simultaneous mobile blood donation.

Ayon sa DOH-Bicol, may ilang mga pamantayan upang maging isang potential blood donors ay aang pagkakaroon ng at least 50 kilos na timbang gayundin normal ang pulse rate at blood pressure.

Hindi naman pinahihintulutan na makapag donate ang mga buntis, may lagnat, nakainom ng alak, nagpa-ear o body piercing at tattoo sa nakalipas na 6 na buwan at kakasailalim pa lamang ng anumang uri ng operasyon.

Sa ngayon ang BRBC, BMC, at Philippine Red Cross chapters sa Masbate, Catanduanes, at Naga City ang ilan sa mga blood service facilities sa rehiyon na tumatanggap ng blood donations.

Panawagan ng DOH-Bicol, mag donate ng dugo kung may kakayanan, dahil bukod sa benepisyo, ito ang isa pinaka simple paraaang upang makatulong na madugtungan ang buhay ng ibang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *