Kahalagahan ng CBMS data ipinaliwanag ng PSA, mga LGU hinikayat na magsagawa nito

CAMARINES NORTE – Ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kahalagahan ng Community- Based Monitoring System (CBMS) data.

Kasunod yan ng ginawang turn- over ng 2022 CBMS data sa tatlong Local Government Unit kamakailan na pinangunahan mismo ni  PSA Regional Director Cynthia Perdiz.

Ayon kay Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao maraming makukuhang datos dito na malaking tulong sa mga LGU.

Nai- turn over na sa tatlong LGU sa lalawigan ang 2022 CBMS data, ang San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Mercedes.

Ang Mercedes ang pinaka unang LGU funded CBMS sa Bicol na nakuha na ang data at nai- turn over sa Alkalde habang ang San Vicente at San Lorenzo naman ay PSA funded.

Hinihintay pa ang data sa tatlong malalaking bayan ang Daet, Jose Panganiban at Sta Elena.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Padayao ang mga LGU sa lalawigan magsagawa rin ng CBMS kahit hindi ito mandatory.

Plano ng PSA na sa 2024 ay funded na lahat ng national government ang pagsasagawa ng CBMS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *