Binigyang diin sa isinagawang Economic and Financial Literacy Week ng National Economic and Development Authority Region 3 ang kahalagahan ng financial management.
Kamakailan lamang ay nagsagawa rin ng aktibidad ang NEDA sa Philippine Merchant Marine Academy sa lalawigan ng Zambales.
Dito ay binigyang diin ni PMMA Superintendent Commodore Joel Abutal sa mga kadete at academy graduates ang kahalagahan ng tamang financial management.
Ito ay para mas maunawaan ng mga partisipan ang kahalagahan ng ekonomiya at konseptong pinansyal na may kaugnayan sa mga financial literacy program.
Kabilang rin sa mga pinag-usapan ang financial literacy for inclusive growth, Philippine Identification System at iba pa.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: NEDA 3
