KAHANDAAN NG OCD REGION 2 SA PAGPASOK NG SUPER TYPHOON MAWAR, TINIYAK MATAPOS ISAILALIM ANG TANGGAPAN SA RED ALER STATUS

Tiniyak ng Office of the Civil Defense Region 2 na nakahanda na ang kanilang tanggapan katuwang ang iba ahensya para sa posibleng pagpasok ng Super typhoon Mawar kung saan papangalan itong bagyong Betty.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inihayag ni OCD Region 2 Spokesperson Michael Conag nan aka-red alert status na ang kanilang tanggapan kung saan nagkaroon na din ng Response Clester Meeting.

Aniya, tinututukan na ng bawat Local Government Unit sa Lambak ng Cagayan ang pag-preposition sa mga kakailanganing kagamitan lalo ang mga family food packs at non-food items.

Mahigpit aniyang babantayan ang mga bahaing lugar at madalas ang pagguho ng lupa particular sa mga coastal town ng Cagayan at Isabela.

Paliwanag pa ng opisyal, dahil nakasailalim na sa red alert status ang tanggpan ay hindi na pinapayagan pang pumalaot ang mga mangingisda upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sa ngayon ay inihahanda na rin ang mga evacuation facilities at inalerto ang bawat LGU sa posibleng pre-emptive evacuation.

Batay naman sa update ng DSWD Region 2 ay mayroong kabuoang P113,281,123.44 na standby funds at stockpile ng mga family food packs para sa agarang augmentation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *