Muling iginiit ni Kai Sotto ang kanyang pagpayag na sumali sa Gilas Pilipinas ngunit naga-alinglangan aniya siya tungkol sa kung kailan makakasama sa national pool.
Ang 7-foot-3 center, na nakatutok ngayon sa kanyang koponan sa Japan, ay nagsabi na ang kanyang pananatili sa Hiroshima Dragonflies ay hindi makakahadlang sa kanyang pangako sa kumatawan sa bansa.

Ang noncommittal approach ni Kai ay maaaring makaapekto sa kanyang bid na katawanin ang bansa sa pandaigdigang basketball showcase.
Samantala, sinabi naman ni national coach Chot Reyes, na siya ring Gilas Pilipinas program director na posibleng kumuha siya ng isang naturalized player kapoag tuluyang hindi makasali si Sotto sa 2023 FIBA World Cup.//CA