Kai Sotto, maglalaro sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Window

Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na uuwi sa Pilipinas si KaiSotto mula sa Australia sa Agosto 18 para maghanda sa pagsabak sa FIBA window na magaganap sa huling bahagi ng Agosto.

Ito ang dagdag na resbak ng Gilas Pilipinas para sa susunod na 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, maliban kay Utah Jazz star Jordan Clarkson.

Ayon kay SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios, makakasama ni Sotto sa tropang Gilas sina Clarkson, Dwight Ramos, Thirdy at Kiefer Ravena, Carl Tamayo, Bobby Ray Parks Jr., Kevin Quiambao, at Francis Lopez.

Una nang inanunsyo ng SBP na inaasahan na darating sa bansa si Clarkson sa August 15.

Makakaharap ng Gilas sa Beirut sa August 25 ang FIBA Asia Cup finalist na Lebanon, at babalik sila sa bansa para naman sagupain ang tropa ng Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena sa Aug. 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published.