Kai Sotto, piniling maglaro sa Gilas kaysa NBA Summer League

Hindi maglalaro si Kai Sotto sa 2022 NBA Summer League na nakatakdang gawin ngayong darating ng Hulyo matapos niyang mag-commit sa Gilas Pilipinas.

Ayon sa handler niyang si Joel Bell, marami umanong natatanggap na imbitasyon si Sotto pero mas pinili nitong sumama sa naturang Filipino national team.

Aniya, dedicated umano ang nasabing basketbolista sa mga Filipino activities, Filipino pride at ilang pang gawain para sa mga Pinoy.

Samantala, sa Tweet ni Sotto, nilinaw niya na wala pa naman umanong pinal na desisyon kung hindi talaga siya maglalaro sa NBA Summer League. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *