Kakulangan ng mga disaster equipment at ng disaster response vehicle sa Naga City, napuna

NAGA CITY – May mga kulang sa disaster equipment ang Naga City sa kabila ng may savings pa pala itong mahigit 40 million pesos, bukod sa kasalukuyang budget nito ngayong taon 2023.

Kabilang na rito ang disaster response vehicle, equipment accidents, survival gear equipment, emergency disaster kits at iba pa.

Natuklasan ito sa ginawang paglalahad ni Ernesto Elcamel, head ng City Disaster Risk Rreduction Management Council noong isang araw sa ginawang CDRRMO Meeting na pinangunahan mismo ni City Mayor Nelson Legacion at mga department heads  ng mga opisina may kaugnayan sa paghahanda sa anumang sakuna.

Layunin ng naturang pagtitipon ay malaman ni Mayor Legacion kung gaano kahanda ang mga opisinang ito sa paparating na El Ni؜ño na mas mararamdaman sa susunod na buwan Hunyo.

Paliwanag naman ni City Administrator Elmer Baldemoro, na ang nabanggit na pondo ay available at hindi totoo ang mga naunang impormasyon na ubos na ito o kaya ayaw galawin ng City Government.

Ang pondo para sa CDRRMO ay hindi puwedeng galawin, bagkus nadagdagan pa ito sa bawat taon na pagba-budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *