Kakulangan ng mga tauhan ng Philpost isa rin sa nakakapagpatagal ng delivery ng National ID

CAMARINES NORTE- Aminado  ang Philippine Postal Corporation o PhilPost na isa sa nakapagpapatagal ng delivery ng National ID ay ang kakulangan nila ng tauhan kaya kahit natanggap na nila ay hindi agad ito mai- deliver sa mga bahay.

Ito ang inihayag ni Postmaster IV Henry Ubana ng Philpost Daet sa naging panayam ng Brigada News FM.

Ayon kay Ubana, kulang na kulang talaga sila sa mga tauhan dahil sa lawak ng dapat na maserbisyuhan.

Halimbawa na lamang ang Philpost Daet na siyang nagseserbisyo sa halos buong second district maliban sa Talisay at Vinzons.

Ang mga bayan na sakop ng Philpost Daet ay ang San Vicente, San Lorenzo Ruiz, Basud at Mercedes.

Anim na kartero lang umano ang nagseserbisyo sa mga bayang ito at ang dalawa pa dito ay hindi regular employee.

Kaya naman kinakailangan pang mag- hire ng opisina ng magde- deliver na ang bayad ay kada piraso tulad sa Mercedes at Basud.

Ang maganda umano sa national ID ay mismong ang mga tao na ang naghahanap.

Sa katunayan ay may mga iba umano na nagkukusa nang pumunta sa Philpost para alamin kung dumating na ang kanilang Physical ID.

Yan ang trend ngayon na may mga pumupunta dito sa post office, nagtatanong, so pag ganun halimbawa usually kasi ang ano dala nila ung transaction slip, pagdala- dala nila yun pwede namin ma -verify kung halimbawa nasaan na yung national ID kasi the moment na ma- receive na yan dito sa Daet post office, lumalabas na sa system na received,” ani Ubana.

Gayunman, may mga tao rin talaga umanong mahirap hanapin lalo na kapag hindi hindi naman talaga residente sa isang barangay at ginamit lang na address.

May mga pagkakataon naman umano na tinutulungan sila ng barangay official na higit na nakakakilala sa kanilang constituents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *