Kakulangan sa pagkain sa North Korea, lumalala

Lumalala umano ang krisis sa pagkain sa North Korea matapos maiulat na nagbawas na ng mga rasyon ang bansa sa mga sundalo nito sa unang pagkakataon sa mahigit dalawang dekada.

Ayon sa South Korea’s unification ministry, patuloy na ikinababahala ng N. Korea ang food shortages at nagpapalano na umano ng isang urgent ruling party meeting para pag-usapan sektor ng agrikultura sa bansa.

Sa nakalipas na mga dekada, ang North Korea ay dumanas na ng malubhang kakulangan sa pagkain, kabilang ang tag gutom noong 1990s na kadalasang resulta ng mga natural disasters tulad ng baha na nakakasira sa mga ani.

Ang isolated country ay nasa ilalim pa rin ng mahigpit na international sanctions dahil sa kanilang nuclear weapons at ballistic missile programs.

Sa mga nakalipas na taon , ipinatupad din ang limited border trade dahil sa elf-imposed lockdown na naglalayong pigilan ang COVID-19.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *