Kalahati ng mga Pilipino, sumusuporta sa Maharlika Investment Fund Bill – survey

Sinusuportahan ng kalahati ng mga Pilipino ang iminungkahing Maharlika Investment Fund base sa resulta ng nationwide survey na isinagawa ng big data research firm na Tangere.

Sa resulta ng survey na inilabas mula sa 2,400 respondents, sinabi ng CEO at founder ng Tangere na si Martin Peñaflor na 83.75 percent ng mga respondents ay alam ang House Bill No. 6608 o ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill, na ipinasa kamakailan sa ikatlo at pinal pagbabasa sa House of Representatives.

Sa mga nakaalam sa panukalang batas, sinabi ni Peñaflor na 54.08 percent ang “strongly support” 21.84 poercent o “medyo sumusuporta” at 32.24 percent ang payag sa “pagpasa nito bilang batas”.

Samantala, 21.34 percent ay “neutral” tungkol sa panukala.

Bukod dito, 65.47 percent ng mga respondents  na may alam sa panukalang batas ay naniniwala din na ito’y napapanahon, at humigit-kumulang 56.67 percent ang lubos na naniniwala o medyo naniniwala na ito ay makakatulong din sa paglago ng ating ekonomiya .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *