SORSOGON CITY – Umabot lamang sa 24, 961 ang naging lamang na boto ni VP Leni Robredo laban sa katunggali nitong si BBM sa presidential race sa lalawigan ng Masbate.
Ayon sa ilang political analyst, naagapan agad o nagkaroon ng ‘damage control’ galing sa kampo ng kaalyado ng Uniteam ang lumabas na resulta.
Kung babalikan, nakakuha ng kabuuang boto na 186, 998 na boto si Robredo mula sa 1, 103 clustered precincts samantalang si Marcos ay nakakuha ng botong 162, 037.
Panalo naman sa vice-presidential race si Sara Duterte na nakakuha ng 175, 786 na boto laban kay Kiko Pangilinan na nakakuha ng 120, 197 na boto.
Ayon pa sa mga analyst, nakaapekto din umano ang kaunting lamang ni Robredo laban kay Marcos dahil may ibang lider si Robredo sa Masbate na ang dinadala ay ‘ROSA’ o Robredo-Sara tandem.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…