Kaligtasan ng mahigit 87,300 na mga Social Pensioners ng DSWD sa Camarines Sur, pinaalala sa nagpapatuloy na semestral pay out

CAMARINES SUR- Nagpapatuloy ang social pension pay out para sa 87,305 na mga benepisyaryo sa Camarines Sur ng naturang programa ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Charmaine B. Biron, PDO I ng DSWD Bicol kailangan sumunod ang mga seniors sa mga schedule ng mga barangay upang maiwasan ang siksikan at pagsama ng pakiramdam lalo na ngayong napakataas ng temperatura. Lagi aniyang isaalang-alang ang kalusugan lalo na kung may authorized person naman.

Mababatid na nagkaroon ng pababago sa pay out mula sa quarterly patungo sa semestral pay out base sa ibinabang Memorandum Circular (MC) No. 17 series of 2022.  Amendment ito ng Memorandum 16 series of 2021 sa release ng pondo para sa mga indigent senior citizen. P3,000 ang makukuha ng senior o P500.00 bawat buwan.

Hinihintay pa ng DSWD ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng amended  RA 9994 – Benefits And Privileges Of Senior Citizen kung saan nakapalaman na P1,000 ang bawat buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *