Inatasan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino na nasa Israel.
Sa gitna ito ng pagsiklab ng kaguluhan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militant group na Hamas.
Ayon sa Presidential Communications Office o PCO,
nagbigay na ng direktiba si Pangulong Marcos sa Department of Migrant Workers at Overseas Filipino Workers na hanapin at i-account ang lahat ng mga overseas Filipino worker at ang kanilang pamilya sa Israel.
Sa hiwalay na statement, mariin ring kinokondena ng Office the President ang pag atake sa Israel at nagpahayag ng pakikisimpatya at dalamhati sa pamilya ng mga nasawi.
Batay sa ulat, nasa daan-daan na ang naiulat na namatay habang marami ring sibilyan at mga sundalo sa Israel ang naging bihag ng militanteng grupo matapos ang kanilang pag atake noong Linggo ng umaga.