Kalusugan ng mga hayop, pinamomonitor ngayong tag-init

NAGA CITY –Paborable man ang panahon, pinapamonitor pa rin ang kalusugan ng mg alagang hayop.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Pio Balanay JR, Agriculture Division in Livestock Inspector ng Siruma Municipal Agriculture Office.

Katunayan aniya, kapag mainit ang panahon pabor o mas gusto ito ng mga alagang hayop lalo na ng mga manok, baboy, kalabaw at iba pa, mas nagiging sakitin kapag sobra ang pag-uulan.

Sa kanilang bayan , walang nakikitang may diperensya sa mga livestock at kapwa malulusog at magaganda ang kondisyon.

Muling nagpa-alala ang MAO, sa mga livestock owner na huwag hayaang magkulang sa pagpapa-inom ng tubig , malaking tulong din ito upang madevelop ang kanilang katawan. Dapat ring samantalahin ang pagpapa-inom ng bitamina at pagpapapurga ngayong summer season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *