Dumulog sa tanggapan ng Philippine National Police Forensic Group ang ilan sa mga kamag-anak ng mga nasawi sa nangyaring sunog sa isang paggawaan at printing shop ng t-shirt sa Tandang Sora sa Quezon City kahapon.
Ito ay upang manghingi ng tulong sa pagkumpirma kung talagang kapamilya nila ang nasawi sa nasabing insidente.
Kung maalala, umabot sa labing-anim na katao ang nasawi mula sa siklab ng sunog dito na tumagal mula alas singko ng umaga hanggang alas otso nito.