Kamara, inaasahang maaprubahan sa 3rd at final reading ang P5.268-T budget bill ngayong araw

Inaasahan ng House of Representatives na matatas na ngayong araw ang plenary debates sa 2023 General Appropriations Bill (GAB) na nagkakahalaga asa P5.268 trillion.

Matapos nito, agad nilang aaprubahan ang panukala sa second at third reading.

Nabatid na nasa 14 na mga ahensya at constitutional bodies ang nanatiling untackled sa plenary debates.

Ang House Bill (HB) No.4488, ay senertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon naman sa Palasyo, ginawa ni Marcos ang naturang hakbang para matiyak na maiiwasan ang re-enacted budget para sa susunod na taon.

Sa gitna nito, nagkukumahog ang Kamara na mabigay ang final approval sa budget bago ang Oct. 1. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *