Kamara isinusulong ang con-con para makakuha ng public trust ayon sa isang panel official

Binigyang-diin ni Iloilo Congressman Lorenz Defensor na isinusulong ng House of Representatives ang constitutional convention (con-con) para gawing katanggap-tanggap ang Charter change sa publiko.

Ginawa n Defensor ang pahayag, matapos aprubahan ng House constitutional amendments panel ang unnumbered Resolution of Both Houses (RBH) na nananawagan para sa con-con para maamyendahan ang 1987 Constitution.

Sinabi ng mambabatas na ipinasa nila sa third reading ang Resolution of Both Houses para sa con-ass (constituent assembly) na nag-aamyenda sa economic provisions ng Konstitusyon na naglilimita sa foreign ownership ng mga industriya, pero hindi umano ito nakakuha ng public trust at hindi rin umano inaksyunan ng Senado.

Ayon dito, ito umano ang dahilan kung bakit inaprubahan ng komite ang resolusyon para sa con-con para mas maging acceptable ito sa publiko, na kapareho sa pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng Konstitusyon, lalo na ng Articles 12, 14, at 16.

Ang Konstitusyon ay maari umanong maamyendahan o marebisa sa pamamagitan ng una, constituent assembly (con-ass) ng mga kasalukuyang mambabatas, pangalawa, constitutional convention (con-con) na binubuo ng mga delegado ng mga hinalal ng mga tao, at ang huli ay sa pamamagitan ng people’s initiative.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *