Kamara, nasa ‘final stages’ na ng SONA 2024 preparation

Handang-handa na ang Kamara sa hosting ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa ginanap na SONA inter-agency meeting, ibinahagi ni House Secretary General na nasa “final stages” na sila ng paghahanda para sa pagtitipon sa July 22.

Ibinahagi ni Velasco na puspusan ang kanilang renovations at adjustment upang i-accommodate ang partners mula sa Office of the President at sa Senado.

Nagpasalamat din si Senate Secretary Renato Bantug sa Kamara para sa pagganap sa “lion’s share” ng preparasyon para sa SONA.

Hiniling ng Presidential Communications Office sa MMDA ang detalye ng traffic rerouting plan upang maagang maabisuhan ang mga motorista habang ang Philippine National Police naman ay planong magtalaga ng dalawampu’t dalawang libong personnel sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Samantala, maging ang bagong room assignments ay nailatag na ng Kamara upang masiguro ang mas madaling paggalaw ng mga bisita lalung-lalo na si Pangulong Marcos, ang kanyang entourage at miyembro ng pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *