National

Kamara, OK sa bill nagdedeklara kada Aug 30 bilang ‘National Press Freedom Day’

Aprubado na ng House of Representatives ang panukala na magdedeklara sa kada August 30 ng bawat taon bilang “National Press Freedom Day.”

Sa 203 affirmative votes, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang House Bill No. 9182 bilang pagkilala sa kapanganakan ni Marcelo H. del Pilar, ang ama ng Philippine journalism.

Nakasaad sa panukala na para matiyak ang makabuluhang pag-obserba at selebrasyon ng National Press Freedom Day, ang lahat ng ahensya ng gobyerno at instrumentalities, ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, government-owned and controlled corporations, local government units, maging ang mga private sector ay dapat bigyan ng sapat na panahon at pagkakataon ang kanilang mga empleyado na makiisa sa anumang related activity na isasagawa sa loob ng kanilang opisina o establishemento.

Maliban dito, inaatasan rin ang Department of Education, Commission on Higher Education, at ang Technical Education and Skills Development Authority in consultation sa Office of the President, gobyerno at private media organizations na pangunahan ang public at private schools sa lahat ng lebel na mag-organisa ng consciousness-raising activities kaugnay sa kahalagahan ng press, kanilang karapatan at social responsibilities, at ang pagtanggal sa lahat ng uri ng karahahan laban sa press. // MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

9 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

9 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

9 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

9 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

9 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

9 hours ago