Kamara, target na maaprubahan ang Maharlika Wealth Fund Bill sa December 12 bago mag adjourn para sa holiday

Target ngayon ng House of Representatives na maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6398 o ang Maharlika Wealth Fund (MWF).

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda , alinsunod sa kalendaryo ng unang regular session ng 19th Congress, ito ay nakatakdang mag-adjourn para sa holidays sa December 17, 2022 hanggang January 22, 2023 at magpapatuloy sa January 23, 2023.

Sinabi pa ni Salceda , kinausap niya na ang Committee on Banks na magpaliwanag sa mga pensioners , members at depositors ng Landbank kung ano ang magiging sitwasyon o estado ng kanilang pera kung sakali mailipat ito sa Maharlika Wealth Fund.

Inilarawan ni Salceda ang MWF bilang nag-iisang pinakamalaking hakbang sa ekonomiya ng pangulo.

Si Speaker Martin Romualdez, presidential son Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, at apat na iba pang mambabatas ang nag-akda at naghain ng panukalang batas noong November 28.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *