Kambal festival trade fair ng Angeles City, kumita ng halos kalahating milyon sa isang lingo

Umabot na sa halos kalahating milyong piso ang kinikita ng Kambal Festival Trade Fair na patuloy na isinasagawa sa Angeles City.

Sa datos na inilabas ng City Information Office, pumalo na sa 456 thousand pesos ang kinikita sa naturang trade fair.

Sa unang araw nito noong October 17, kumita ang trade fair ng 45, 974; habang  nasa 69, 973 naman sa ikalawang araw; 54, 397 sa ikatlong araw; 60, 462 sa ika-apat na araw; 101, 806 sa ika-limang araw; 55, 666 sa ika-anim na araw; at 68, 305 ang kanilang kinita sa ika-pitong araw.

Samantala, inaasahang matatapos na sa Huwebes, October 27 ang Kambal Festival Trade Fair.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *