Kambal na elepante, isinilang sa Sri Lanka

Isang elepante sa Sri Lanka ang matagumpay na nagsilang ng kambal na bihirang nangyayari sa naturang mga hayop.

Huli umanong naitala na may elepanteng nagsilang ng kambal ay noong 80 taon na ang nakalipas.

Ayon sa mga otoridad ang kambal ay parehas umanong lalake na pinanganak ng 25 taong gulang na Surangi sa Pinnawala Elephant Orphanage. Ang kanila namang ama ay 17 taong gulang na Pandu.

Sa kuha ng isang Video Footage mula sa Hiru TV media, pinakita nito ang kulay grey calves sa mga paa nito at makikitang kumakain ang kambal ng dahon malapit sa hita ng kanila nanay.

Sinabi ng Sri Lankan elephant experts, matatandaang ang huling elepanteng kambal na isinilang ay noon pang 1941 sa Domesticated elephant sa Sri Lankan.

Kilala ang bansang Sri Lanka’s bilang biggest tourist attractions, ang Pinnawala ay Itinayo noong 1975 para pangalagaan ang mga wild elephants na kinakailangan sagipin at gamutin sa kanilang mga injuries.

Kaugnay nito, na mayroong 7,500 wild elephants sa Sri Lanka at 22Million populasyon ng mga tao. (VANESSA FERNANDEZ – BRIGADA INTERN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *