Ikinagulat ng isang magsasaka sa Barangay Cabuloan, Sta. Catalina, Ilocos Sur na nagluwal ang alaga nitong kambing ng anak na parang octopus o may walong mga paa.
Ayon sa may-aring si Regucera Rancho na una umanong lumabas ang mga paa ng nasabing kambing at sa pag-aakala nitong dalawa din ang sabay na iniluluwal ng kanyang alaga.
Nagtaka na lamang si Rancho na isa lang ang ulo ng nasabing kambing , dalawa ang katawan, kasarian at parang octopus na walo ang paa.
Patay na ang nasabing kambing paglabas kaya agad naman itong inilibing ng may-ari.