Kampanya laban sa loose firearms sa Camarines Sur, papaigtingin

NAGA CITY –  Mas papaigtingin pa ng Camarines Sur Police Provincial Office ang kampanya laban sa loose firearms o itong mga hindi rehistradong baril na nagagamit pa sa krimen gaya ng nangyaring pamamaril sa bayan ng Bula na kung saan ang biktima ay namatay matapos na pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek, kalibre 45 pistola ang ginamit dito.

Sa pahayag sa Brigada News FM Naga kay PCL Manny Ama, Public Information Officer ng Bula Municipal Police Station, sinabi niyang mas pinaigiting pa nila ang pagpatupad ng programa na isa sa pangunahing kautusan ni Gen. Rommel Francisco Marbil, ang Chief ng Philippine National Police.

Ayon kay Ama, regular naman ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa mga barangay opisyal lalo na doon sa mga bulubunduking barangay ng bayan, tuloy ang pakiusap na isurender ang mga hindi rehistradong baril para maiwasan ang ganitong krimen at hindi masampahan ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *