Bigo ang Gilas Women sa kampanya nito sa William Jones Cup sa Taiwan matapos ang pagkatalo sa Chanson V Magic, na may final score na 95-88.
Nahati sa dalawang resulta ang mga nagdaang laro ng Gilas matapos matalo sa Chinese Taipei A at nanalo naman sa Iran.
Kasunod naman nito ang sunod-sunod na pagkatalo ng Philippine team sa mga koponan ng China, Korea, at Japan.
Pagkatapos ng Jones Cup, inaasahang aaksyon ang mga Pinay sa Womenโs Korean Basketball League sa kanilang paghahanda para sa Asian Games sa Setyembre.